Gigising ka sa umaga at maghahanda para sa pag pasok sa paaralan.
Magbibihis ka at aayusin ang iyong mga gamit pang pasok, at pagkatapos ay mag aagahan. Pag kalalipas ng ilang oras ay aalis at sasakay ka ng jeep o iskul buss para makapasok ka sa paaralan.
Sa paaralan tinuturaan ka ng iyong mga guro para matuto. Hinahayaan ka nilang sumali sa ibat-ibang palaro o aktibidadis.
At pagdating ng gabi pinaguusapan ninyo ng iyong mga magulang kung ano ang nangyari sayo sa paaralan, tinatanong kung ano ang napag-aralan mo at ano ang mga iskedyul mo.
Diba ang sarap mabuhay kapag may karapatang pantao ka, pero pano naman kung wala?
Isipin mo ang iyong sarili na gigising sa umaga maliligo at kakain pero malalaman mo na wala palang pagkain para sa almusal. Walang pagkain hindi dahil sa walang pera ang iyong mga magulang para pang bili, kundi dahil sa wala silang pakialam kung nakakain ka ng sagana o sapat. Pagkatapos mong kumain ng walang bitaminang pagkain , pupunta ka ng paaralan kasama ang ibang mga istudyanteng gutom.
Sa paaralan, pinapagalitan ka ng iyong guro dahil sa kaunting kasalan, wala silang pakialam kung matuto ka man o hindi. Uuwi ka ng bahay na pagod at walang natutunan.
Sa gabi, gusto mong makipagusap sa iyong mga magulang tungkol sa pagaaral mo pero hindi naman nila gustong malaman.
Diba masalimuot ang buhay kung wala kang karapatang pantao! Mas gugustuhin mo nalang sigurong hindi mabuhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
thanks anlou sa votes ganda rin ng blog mo. keep up the good work
Post a Comment