Monday, October 15, 2007
wkipilipinas!!
Ang wikipilipinas ay isang online encyclopedia na kung saan ay pwedeng magresearch ang lahat upang alamin ang lahat tungkol sa bansang pilipinas at iba pa. Isa sa mga problema dito ay hindi pa sapat ang kanyang mga nilalaman, kaya nga dapat nating suportahan ang itinataguyod ang ating encyclopedia sa tulong ng mga kinatawan sa gumawa ng wikipilipinas,,ang masasabi ko talaga ay napakagaling ng ginawa nila kahanga-hanga!. keep up the good wok guys!!
Wednesday, October 10, 2007
Ano ang aking mga Natutunan!
Marami akong natutunan sa computer kahit medyo may kahirapan, gaya nang pag-gawa ng blog kung ano ang tawag sa taong nag boblog at ito ay ang salitang "blogger" at ang mga nilalaman ng blog gaya ng "title, body, comment,permalink, posting, categories at trackbacks". May mga uri din naman na blog ito ay ang sumusunod.
- Personal Blog
- professional Blog
- Mob blog
- Paid blog
- cultural blog
- business blog
- colaborative blog
- educational blog
- directory blog
- link blog
- forum blog
- spam or splog blog
- political blog
- war blog
- sketch blog
- clubbox blog
- photo blog
At napag-alaman ko din na may mga libreng website kung saan pwede kang magpamyembro o mag parehistro gaya ng, "funchain,blogger,friendster,blogit,i.ph". At nalaman ko rin kung ano ang e-commerce, ito ay ang pagbili ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng computer. May mga uri ding e-commerce gaya ng, "Business to business, business to consumer, consumer to business, business to employee, business to government". At natutunan ko rin kung ano ang karaniwang gamit ng internet gaya ng, " email, www, remote access, colaboration, file sharing, streaming media at voice over internet protocol". Basta marami din akong natutunan sa computer na syempre tinuro ni maam joan sa amin.
Buhay kolehiyo
Masayang-masaya ako sa unang pasok ko sa kolehiyo dahil pagkatpos ng isang taon na pagtigil ko sa pagaaral eh makakapasok parin ako sa paaralan at may mga bago akong mga makikilang mga kaibigan. Ang unang araw ko sa paaralan ay medyo hindi masaya dahil nga wala akong mga kakilala o kaibigan. Pero nang dumaan ang ilang araw ay may mga bago na akong kaibigan. Ang akala ko masaya ang buhay kolehiyo, pero hindi pala kasi may mga pagkakataon na nagkakasabay ang aming mga takdang aralin, pagsusulit at mga proyekto. Mahirap pala pag nasa kolehiyo ka na, hindi gaya ning nasa sekondarya pa lamang kasi ayos lang kahit walang proyekto. At isa pang dahilan kung bakit nasabi ko na mas mahirap ang buhay kolehiyo sa kadahilanang mas maraming gastusin kaysa sekondarya ka pa lamang. Pero Ayos lang naman sa akin iyon dahil para din sa ikabubuti ng aking pagaaral. Marami akong mga kaibigan sa paaralan, nakakahiya mang aminin subalit minsan nangungupya ako sa kanila ng takdang aralin. Pero may mga panahon tlaga na di kami magkaintindihan ng aking mga kaibigan, kaya ayon mag-aaway pero magkakabati din naman kaagad. Talagang ganyan lang ang bihay mahirap hulaan kung ano-ano ang mangyayari.
Monday, September 17, 2007
Karapatan ng bawat studyante at ng mga anak
Gigising ka sa umaga at maghahanda para sa pag pasok sa paaralan.
Magbibihis ka at aayusin ang iyong mga gamit pang pasok, at pagkatapos ay mag aagahan. Pag kalalipas ng ilang oras ay aalis at sasakay ka ng jeep o iskul buss para makapasok ka sa paaralan.
Sa paaralan tinuturaan ka ng iyong mga guro para matuto. Hinahayaan ka nilang sumali sa ibat-ibang palaro o aktibidadis.
At pagdating ng gabi pinaguusapan ninyo ng iyong mga magulang kung ano ang nangyari sayo sa paaralan, tinatanong kung ano ang napag-aralan mo at ano ang mga iskedyul mo.
Diba ang sarap mabuhay kapag may karapatang pantao ka, pero pano naman kung wala?
Isipin mo ang iyong sarili na gigising sa umaga maliligo at kakain pero malalaman mo na wala palang pagkain para sa almusal. Walang pagkain hindi dahil sa walang pera ang iyong mga magulang para pang bili, kundi dahil sa wala silang pakialam kung nakakain ka ng sagana o sapat. Pagkatapos mong kumain ng walang bitaminang pagkain , pupunta ka ng paaralan kasama ang ibang mga istudyanteng gutom.
Sa paaralan, pinapagalitan ka ng iyong guro dahil sa kaunting kasalan, wala silang pakialam kung matuto ka man o hindi. Uuwi ka ng bahay na pagod at walang natutunan.
Sa gabi, gusto mong makipagusap sa iyong mga magulang tungkol sa pagaaral mo pero hindi naman nila gustong malaman.
Diba masalimuot ang buhay kung wala kang karapatang pantao! Mas gugustuhin mo nalang sigurong hindi mabuhay.

Subscribe to:
Posts (Atom)